Paano Ba Maibabalik - Ang Kahapon

Kahit saan ka man naroroon
Asahan mong lagi kang nasa puso ko
At kahit di na muling magkasundo tayo
Maghihintay na lang kahit di mo alam
At kahit gaano ang pagdaramdam ko
Di maglalaho ang alaala mo
At kahit tapos na ang lahat sa ating dalawa
Sigaw ng puso ko ikaw pa rin walang iba

Paano ba maibabalik ang kahapon
Kung ang lahat sa atin ay nagwakas na
Paano ba maibabalik ang pagmamahal mo
Maghihintay pa rin sa iyo hmm

Hindi inaasahang ganito pala
Araw at gabi kita nakikita
At kahit sabihin kong limutin ka
Sigaw ng puso ko'y ikaw pa rin walang iba

Paano ba maibabalik ang kahapon
Kung ang lahat sa atin ay nagwakas na
Paano ba maibabalik ang pagmamahal mo
Maghihintay kahit mabigo

Sa aking pag-iisa ay narito ka
Sa puso ko o giliw ko

Paano ba maibabalik ang kahapon
Kung ang lahat sa atin ay nagwakas na
Paano ba maibabalik ang pagmamahal mo

Maghihintay pa rin ako
Hanggang sa dulo ng mundo
Maghihintay kahit mabigo

Beliebteste Lieder von Jed Madela

Andere Künstler von Asiatic music