Nang Makapiling Ka
Inisip ko na iwanan kita
Ngunit bakit ako ay naririto pa
Anong mayroon ka
Puso'y nagtataka
Palaging ikaw at di ko mapansin ang iba
Bakit nang ikay makapiling na
Sa tuwina ang hanap ko
Ay lambing ng iyong pagsinta
Bakit nang maangkin ang puso mo
Wala ng ibang nais kundi ang tanging pag-ibig mo
Alam kong ako ay di nag-iisa
Nadarama na ikay may mahal pang iba
Ngunit bakit bakit di magawa
Hindi ko kaya na ang pag-ibig moy mawala
Bakit nang ikay makapiling na
Sa tuwina ang hanap ko
Ay lambing ng iyong pagsinta
Bakit nang maangkin ang puso ko
Wala ng ibang nais
Kundi ang tanging pag-ibig mo
Ilang ulit nang puso koy nasaktan
Ngunit bakit di kita kayang iwan
Bakit nang ikay makapiling na
Sa tuwina ang hanap ko
Ay lambing ng iyong pagsinta
Bakit nang maangkin ang puso ko
Wala ng ibang nais
Kundi ang tanging pag-ibig mo
Bakit nang ikay makapiling na
Sa tuwina ang hanap ko
Ay lambing ng iyong pagsinta
Bakit nang maangkin ang puso ko
Wala ng ibang nais
Kundi ang tanging pag-ibig mo
Huh ah