Ako Naman

Kay tagal ng aking hinintay
Makamtan lamang ang tamis ng tagumpay
'Di naging madali ang paglakbay
Upang makamit ang iyong pagmamahal

Ang tangi kong hangad
Ay iisa lamang
Ang lagi kong hiling
Ay simple lang
Ako naman
Ako naman
Ako naman ang iyong mamahalin

Marami akong iniwanan
Upang makarating kung nasa'n ka man
Hindi ako nagsisisi
Makasama lang sa'yong tabi whoa

Ang tangi kong hangad
Ay iisa lamang
Ang lagi kong hiling
Ay simple lang
Ako naman
Ako naman
Ako naman ang iyong mamahalin
Mamahalin

Beliebteste Lieder von Jessica Villarubin

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)