Bago

Dito lang sa piano
Tinitipa mga tiklado
Nagpapalipas ng panahon

Dito lang sa piano
Tumutugtog ng mga kanta
At letra na napapanahon

Medyo hilo at magulo ang utak ko
Di maintindfhan ang kwento ng
Aking buhay ngayon

Naghahanap ng bagong aliw
Bagong kilig bagong gimmick
Bagong libangan

Ibang gawain ibang barkada
Ibang direksyon na patutunguhan
Ng maiba naman

May bagong nakilala
Isang babae sa opisina
Ok lang di gaanong maganda

Mas gusto ko mag piano
Tinatamad akong tawagan siya
Kung walang gana walang mapapala

Tinding pagkayamot aking nadarama
Walang natitirang sigla o saya
Ang aking buhay ngayon

Naghahanap ng bagong aliw
Bagong kilig bagong mahal
Bagong puntahan
Ibang gawain ibang barkada
Ibang direksyon na patutunguhan
Ng maiba naman
Bagong aliw oh

Ibang gawain ibang barkada
Ibang direksyon na patutunguhan
Ng maiba naman

Nakaupo sa piano dododorodo

Beliebteste Lieder von Jim Paredes

Andere Künstler von Pinoy pop