Band Aid

Jan Quintana

Wala na akong maisip na dahilan para magpa-tuloy pa
Kase alam ko namang wala na ring pag asa pa
Masasaktan lang tayong dalawa pag tumagal ng tumagal pa
Talo na tayo ubos pati pato
Kaya wala nang masusugal pa bumitaw ka na din
Kahit na sabihin ko sa'yo wag mo nang masamain
Wala na din
Pero mabuti na to kesa lalo pang palalain
Ang sitwasyon nating paulit ulit lang naman
Dahilan pinagtatalunan mo lang ay punan saking mga kulang
Yakapin ko muna ang 'yong unan

Tsaka pasensya ka na
Kung hindi ko na kaya na patagalin pa
At pasensya ka na
Hindi sa hindi na kita kayang mahalin pa
At pasensya ka na
Kung mas kakayanin ko na lang mag-isa
Pasensya ka na kung nakapag desisyon na ko na iwan na lang
Ang byahe nating dalawa ngayon ako na lamang mag isa
Wala ka na
Pasensya na
Hindi ko na kayang kumapit pa
Pasensya na

Sorry patawad
Kung yung ating hinangad ay di ko natupad
Ayokong mag panggap na ayos lang
Sa kabila ng bawat pagkukulang ko sayo

Mahihirapan lang tayo
Araw-araw may pagbabago
Araw-araw may pagtatalo
Sa parehong dahilan lang dinadako
Di ka pa ba nagsasawa sa ganitong galawan
Di ka pa ba matutuwa ko na pagsawaan
Kase kahit anong gawin
Di ko na malalaman
Ang dating daanan pabalik
Sa nakaraan nating pagsasamang tuluyan na ngang iniwanan
Pasensya ka na
Yan na lang ang tanging masasabi ko sayo
At pasensya ka na
Kung iniisip mong nilamon ako ng tukso

Mali ang iniisip mo
Kahit na pano pa natin na pilitin to
Bumalik sa dating mundo
Kahit tyagain pa natin na pihitin to
Kahit na ibigin mo
O kahit pa na ibigin mo
Kung dada na ang humarang
Magbukas na lang tayo sa iba ng ating pinto

Sorry patawad
Kung yung ating hinangad ay di ko natupad
Ayokong mag panggap na ayos lang
Sa kabila ng bawat pagkukulang ko sayo
Yeah yeah yeah yeah

Beliebteste Lieder von Jnske

Andere Künstler von Contemporary R&B