Walang Ilaw

Candida walang ilaw
Subukan mo ulet
Ilang beses ko ng sinubukan ng sinubukan
Subukan mo sa ibaba ng hagdanan susubukan ko sa kasilyo

Wala rin ilaw sa hagdanan (wala)
May ilaw ba sa kasilyo (wala)
At wala rin ilaw sa kwarto ng papa
Naku Candida pinutulan tayo ng kuryente
Tawagan mo sila Manolo at Teban
Tawagan mo ang kumpanya ng ilaw
Wag kang maingay gusto mong makitawag ako sa kanto
Alam ng lahat sa kalye nating pinutulan tayo ng kuryente
Dahil di tayo nakabayad

Naku Candida
Naku Candida
Sarhan mo ang mga bintana
Makikita ako ng mga kapitbahay
Alam ko ng tsismisan nila
Tingnan mo'ng dalawang nagrereyna-reyna
Ni hindi makabayad sa kuryente nila

Paano pa natin maihaharap
Mga mukha natin sa labas
Sarhan mo'ng mga bintana
Makikita nila tayo

Baka wala pang nakakapansin
Madilim ang ating bahay

Walang ilaw kahit saan
Walang ilaw
Madilim lahat ng bahay
Madilim
Madilim ang buong lansangan
Anong nangyari

Napakagaga natin
Ano bang nangyari
Wala ngang nangyari
Anong wala
Na sa diyaryo nga pala
Hindi kasi tayo nagbabasa

Anong sabi sa diyaryo
May blackout ngayon
Nag-papractice ng blackout
Naghahanda para sa giyera
At akala natin natatakot tayong magsara ng bintana
Natatakot tayong matanaw ng kapitbahay

'Di ba't isang pares tayong torta't kalahati
Isang pares na torta
Nakatatawa
Nakatatawa
Candida
Hindi ko na kaya
Hindi ko na kaya

Beliebteste Lieder von Joanna Ampil

Andere Künstler von Film score