Sisikat Din Ako
Halos hindi ko na matandaan
Kung kailan pang nahilig umawit
Nangarap isang araw sisikat din
At maging isang maliwanag na bituin
Sa tagal ng panahon marami naakong nagawa
Marami nang awiting nilikha
Ngunit 'di pa rin mayakap ang hangarin
Hangarin kong maging isang bituin
Ngunit tuloy pa rin ang pagsisikap ko
Pagka't balang araw makikinig kayo
Tuloy tuloy pa rin ang pag-aawit ko
At makikita niyo
Sisikat din ako
May kalayuan ang naabot ko
Mula nung ako'y nagsimula
Isang batang mahilig umawit
At isang hiram na lumang gitara
Sa tagal ng panahon marami naakong nagawa
Marami nang awiting nilikha
Ngunit 'di pa rin mayakap ang hangarin
Hangarin kong maging isang bituin
Ngunit tuloy pa rin ang pagsisikap ko
Pagka't balang araw makikinig kayo
Tuloy tuloy pa rin ang pag-aawit ko
At makikita niyo
Sisikat din ako
Tuloy pa rin ang pagsisikap ko
Pagkat balang araw makikinig kayo
Tuloy tuloy pa rin ang pag-aawit ko
At makikita nyo
Sisikat din ako
Sisikat din ako
Sisikat din ako
Sisikat din ako