Tabi Po

Joey Ayala

Tabi po tabi po

Naglakad ako sa daang putikan
Sa sobrang dulas ay napilitang magyapak
Hinubad ko ang bagong sapatos ko tinali sa aking bakpak
Gumapang paakyat sa putik at bato
At nakarating sa balikat ng bundok
Naglakad paloob sa makapal na kahuyan
Nakarating sa daang madamo
Nang sapatos ko'y isusuot na sana
Kanan na lamang ang natitira
Kung saan naman nakarating ang kaliwa't binalik-balika'y di pa rin makita

Ano ngayon ano ngayon ang gagawin ko
Iisa na lamang ang sapatos ko
Ito na ba yung sinasabi nilang pinaglaruan

Tabi po tabi po palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro

Sa awa ng Diyos ako nama'y nakarating sa pook-tulugan takipsilim na
Inabutan ng antok dala ng pagod at dilim
At hihigan ko'y inilatag na
Nang ang mga mata ko ay pumipikit-pikit
Biglang nagliwanag ang langit
Ako'y tumingala at ang nakita ko di mabilang na bituing nanggigising
Sang korong kuliglig nag-awitan bigla
Sampangkat ng palaka nagkokokak-kokakan
Mga dahon at sanga'y nagpalakpakan
Paano matutulog niyan

Tabi po tabi po palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro
Mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro

Sa awa ng Diyos nakatulog din ako
Dikit sa lupa't himbing na himbing
At ang una kong nakita sa pagdilat sa umaga
Samparis ng sapatos kamukha nung akin
Bumangon ako't tiningnan ang sapatos
Walang kaduda-duda na sa akin nga ito
Kung paano nabuo di ko po alam
Ito na nga siguro yung pinaglaruan
Uminom ako sa ilog nguni't lalong nauhaw
Naupo sa batong malaki 'yun pala ay kalabaw
Hinanap ang daang pababa ngunit lalo akong nawala tabi po

Tabi po tabi po palabiro mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po palabiro mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po tabi po mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po tabi po mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po tabi po mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po tabi po mapaglarong engkanto
Tabi po tabi po

Wissenswertes über das Lied Tabi Po von Joey Ayala

Wann wurde das Lied “Tabi Po” von Joey Ayala veröffentlicht?
Das Lied Tabi Po wurde im Jahr 1997, auf dem Album “Lupa’t Langit” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Joey Ayala

Andere Künstler von Neofolk