Isang Taon
Isang taon na kitang di makapiling
Maliwanag man diyan dito'y madilim
Lungkot sa puso ko ngayo'y kumikirot
Umagang di masyadong kay ganda
Sayo pa rin ako maniniwala
Kinabukasan ang siyang mas mahalaga
Di ko maintindihan ba't kay lupit ng paraan
Upang makamtan natin ang ligaya
Sana'y may isang munting tulay na magpakita
Patungo sa iyong tahanan upang makapiling kang muli
Kahit lang isang gabi
O kahit sa isang saglit
Pansamantalang gamot nitong puso ko
Hanggang sa iyong pagbalik
Isang taon na kitang hinahanap-hanap
Hindi ka kayang tumbasan ng iyong padala
Ang sigaw ng puso ko sana'y pakinggan mo
Damhin mo ang saya ng pagsasama
Sana'y may isang munting tulay na magpakita
Patungo sa iyong tahanan upang makapiling kang muli
Kahit lang isang gabi
O kahit sa isang saglit
Pansamantalang gamot nitong puso ko
Hanggang sa iyong pagbalik
Tungo sa iyong tahanan upang makapiling kang muli
At kahit lang isang gabi
O kahit sa isang saglit (saglit)
Pansamantalang gamot nitong puso ko
Hanggang sa iyong pagbalik