Maalaala Mo Kaya
Maalaala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang di magmamaliw
Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago
'Di ka kaya magbago (di ka kaya magbago)
Sa iyong pagmamahal (sa iyong pagmamahal)
Hinding-hindi giliw ko (hindi giliw ko)
Hanggang sa libingan
O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam (mapaparam)
Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago
'Di ka kaya magbago (di ka kaya magbago)
Sa iyong pagmamahal (sa iyong pagmamahal)
Hinding-hindi giliw ko (hindi giliw ko)
Hanggang sa libingan
O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam