Pangako Ng Puso
Lilipas ang mga araw
Tatakbo ang oras ng buhay
Pag-ibig ko ba’y hahayaang
Mawalan lamang ng saysay
Sana’y sabihin
Anong nararapat
Anong aking dapat gawin
Upang ‘wag masayang
Ang pagsuyo na sa’yo ko lamang inaalay
Sayang ang pangako nitong puso
At patuloy na pagmamahalan
Huwag mo nang itago
Ang pangako ng puso
May bukas sa’yo ay gigising
Baka sakaling ako’y mapansin
Kung tunay man ang ‘yong hangarin
Puso ko ngayo’y tanggapin