Tama Lang
Di mahirap di mayaman
Di kapangitan di kagandahan
Di matanda di rin bata
Di kumplikado di ordinaryo
Kung papalarin na maging tayo
Tunay bang umibig handa bang mabigo
Ang mahalin mong minsan kahit di kailanman
Para sa 'kin ay tama lang
Ang 'di malakas at ang ‘di mahina
Pagtatagpuin ba ng tadhana
Di ga'nong labis 'di ga'nong kulang
Ang ikaw at ako'y sadyang tama lang
Kung papalarin na maging tayo
Tunay bang umibig handa bang mabigo
Ang mahalin mong minsan kahit ‘di kailanman
Tama lang na tama lang
Di simula at di wakas
Di man ngayon maaring bukas
Matutupad ang isang pangarap
Matatanggap ang aking lahat
Kung papalarin na maging tayo
Tunay bang umibig handa bang mabigo
Ang mahalin mong minsan kahit di kailanman
Ang tayo ay tama lang
Tama lang ang tama lang