Di Na

Kahit anong pilit na sayo ay kumapit ay
Di na di na mababalik yung dati
Panahon na kay saya at hindi na kayang tumbasan ng
Kahit na sino pang iba woah

Di na di na hindi na maaayos pa
Di na di na hindi na maulit pa
Di na di na hindi na nagbago ka na
Di na di na hindi na alam kung sakin ka

Lagi mong sinasabi na bina balewala ka lang (woah)
Nasa isip ko’y ibang bagay naisasantabi ka (woah)
Binabantayan palagi ang mali ko kahit na yung mga dating nagawa ko (woah)
Di ko na rin maramdaman yung halik mo

Bat ka nagbago
Di ko na alam para saakin ka paano kung hindi ka manatili na
Baka di ko na rin makayanan pa
Ikaw ang dahilan kung bat nabubuhay pa

Sayo lang umiikot aking mundo ikaw ang rason ng pagsisikap ko
Babae na iniingat ingatan ko bakit parang saaking puso ay lumalayo

Kahit anong pilit na sayo ay kumapit ay (yeah)
Di na di na mababalik yung dati
Panahon na kay saya at hindi na kayang tumbasan ng
Kahit na sino pang iba (woah)

Di na di na hindi na maaayos pa
Di na di na hindi na maulit pa
Di na di na hindi na nagbago ka na
Di na di na hindi na alam kung sakin ka

Bumabalik lagi sa aking isipan mga tanong sumasagi
Minsan di na bako mahalaga
O meron ka na ngayong iba (woah)
Di ko naman nakikita di rin ako pwede sayo na magduda

Lagi naman kasi kita na kasama ngunit may kulang na aking hinahanap yeah (kasama)
Hindi kana naglalambing maluwag na rin ang hawak mo saakin (woah)
Pag aaway hanggang kelan dadalhin ayokong nangyayari lagi to saatin (woah)
Ito na ba ang kapalit makalipas ang mga taon na laging

Mahigpit ang mga yakap mo kung maaring mabalik
Lamang yung dati wala nang papalampasin

Kahit anong pilit na sayo ay kumapit ay (woah)
Di na di na mababalik yung dati (dati)
Panahon na kay saya at hindi na kayang tumbasan ng
Kahit na sino pang iba

Di na di na hindi na maaayos pa (woah)
Di na di na hindi na maulit pa (di na)
Di na di na hindi na nagbago ka na (di na)
Di na di na hindi na alam kung sakin ka

Andere Künstler von Asian hip hop