Maldita

John Patrick Caoile, John Paul Balza, Kevin Dela Peña

Gustong-gusto kitang makita
Dalagang Pilipina na ubod ng maldita
Ibang-iba sa nakikita sa taglay mong ganda
Nung unang kita ko ay nahalina

Oh maldita please halika
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama
Maldita, dali na
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Ang 'yong ganda ay 'di mapapantayan
Kaso mukhang 'di ako pasado sa pamantayan mo
Baka ako lang ay mapagtaasan ng 'yong kilay
Ngunit ganun pa man ako'y interesado

Sa 'yong pagkatao na 'di ko man mabago
Mahalaga mapadama ko sa 'yong bagay tayo
Kaso 'di ko lang maamin ako'y aminado
Natatakot lang baka sa 'kin ika'y lumayo

'Di lang ako makabwelo pero hindi pa ito dulo ng kwento
Pa'no kasi 'pag kaharap mo na ako naninigas na para bang semento
Para kang yelo matigas ka ngang tingnan pero ito'y aking pupustahan Matutunaw ka agad kapag init ng labi ko ay iyong nadikitan

Pero bago pa nga mangyari 'yan ako'y kakawala muna sa piitan
'Yoko nang tingnan ka malayuan, maglalakas-loob kahit na isa lang
Ako'y handa nang masungitan, masulyapan ko lang ang ngiti ng mata mong Kay tagal ko nang pinagmamasdan 'yan ay bituin sa kalangitan, yeah

Gustong-gusto kitang makita
Dalagang Pilipina na ubod ng maldita
Ibang-iba sa nakikita sa taglay mong ganda
Nung unang kita ko ay nahalina

Oh maldita please halika
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama
Maldita, dali na
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Madalas kitang tinititigan
Sa malayuan hindi sa malapitan
Baka masungitan sa tuwing dadaan ka
Sa 'king harap pinapawisan nang malapot
Kahit klima natin may kalamigan
Kay sarap mong pagmasdan
Lalo kung malapitan
Sa taglay mong ganda
Mukhang anghel ka ng kalangitan

Gusto ko na magsabi ng
Aking nararamdaman
Kaso inuunahan ng kaba
Kaya naiilang

Kaya kelangan ko na
Siguro sa takot na makawala
‘Pag naniwala pa ‘ko sa himala
Baka balutin ako ng kaba at hiya

Lalakasan nang aking loob
Handa nang sungitan o mapahiya
Kasi kung hindi pa rin ako kikilos
Baka mas lalo lang walang mapala

(Eyy)
Alam mo ba
Kung gaano ka sa ‘kin kahalaga
Ika'y gasolina ako'y sasakyan
Kapag wala ka ay balewala

‘Pag nakikita kita higit pa sa sobrang
Aking saya
Halika maldita sumama ka para
Mas lalo kitang makilala kaya

Gustong-gusto kitang makita
Dalagang Pilipina na ubod ng maldita
Ibang-iba sa nakikita sa taglay mong ganda
Nung unang kita ko ay nahalina

Oh maldita please halika
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama
Maldita, dali na
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Kaya hayaan mong gawin kong mamon
Ang puso mong sintigas ng bato

Gustong-gusto kitang makita
Dalagang Pilipina na ubod ng maldita
Ibang-iba sa nakikita sa taglay mong ganda
Nung unang kita ko ay nahalina

Oh maldita please halika
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama
Maldita, dali na
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Gustong-gusto kitang makita
Dalagang Pilipina na ubod ng maldita
Ibang-iba sa nakikita sa taglay mong ganda
Nung unang kita ko ay nahalina

Gustong-gusto kitang makita
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama
Ibang-iba sa nakikita sa taglay mong ganda
(Gusto ko din naman ikaw ay makilala)

Kung pwede lang sana kitang angkinin
Lahat ng ayaw mo hindi ko susubukang gawin
Araw-araw minu-minuto kang pasasayahin
Pangako na sa isip ko ay 'di ka tatanggalin
Maldita

Wissenswertes über das Lied Maldita von Juan Caoile

Wer hat das Lied “Maldita” von Juan Caoile komponiert?
Das Lied “Maldita” von Juan Caoile wurde von John Patrick Caoile, John Paul Balza, Kevin Dela Peña komponiert.

Beliebteste Lieder von Juan Caoile

Andere Künstler von Asiatic music