Pakay
Teka sandali lang baka pwede 'wag ka munang umalis
Meron akong nakikitang kakaiba sa 'yo
Nais kong malaman kung paano kita mapapangiti
Para kahit sandali lang makita ko (makita ko)
Ang kinang sa mga mata mong kumukutitap
Parang alapaap na nakalutang sa kalangitan (sa kalangitan)
Mga kilos mong 'di ko malilimutan
Pwede ba kitang maisayaw sa ilalim ng buwan (magkayakap sa dilim)
Halika dito sandal ang ulo hingang malalim lang
Pikit ang mata ako ang bahala sa iyong katawan
Madilim ang paligid ang tanging ilaw ay ang mga bituin
Ngayon nandito tayo magkayakap sa dilim
Yakap yakap yakap sa dilim
Yakap yakap ngayon nadito tayo magkayakap sa dilim
Teka sandali lang baka pwedeng 'wag ka munang umuwi
'Di ko pa kayang bitawan ang hawak ko sa 'yo
May gusto akong aminin pero 'wag mo sanang masamain
Ang gusto ko lang sabihin nasa iyo na
Ang liwanag na bumabalot sa 'king isipan
Kahit tulog ay napapanaginipan ka't pinagmamasdan (pinagmamasdan)
Sa tingin mo pa lang ay 'di ko na mapigilan
Pwede ka na bang maisayaw sa ilalim na buwan (sa ilalim ng buwan)
Halika dito sandal ang ulo hingang malalim lang
Pikit ang mata ako ang bahala sa iyong katawan
Madilim ang paligid ang tanging ilaw ay ang mga bituin
Ngayon nandito tayo magkayakap sa dilim
Yakap yakap yakap sa dilim
Yakap yakap ngayon nadito tayo magkayakap sa dilim
Ikaw ang unan ko't habang buhay kitang kukumutan sa 'ting pagtulog
Nang mahimbing ay magkayakap pa rin
Ang tunay kong pakay kung bakit nais kong maramdaman
Ang init ng 'yong katawan nang malaman mo kung pa'no kita laging aalagaan
Halika dito sandal ang ulo hingang malalim lang
Pikit ang mata ako ang bahala sa iyong katawan
Madilim ang paligid ang tanging ilaw ay ang mga bituin
Ngayon nandito tayo magkayakap sa dilim
Yakap sa dilim yakap yakap sa dilim yakap
Yakap yakap ngayon nadito tayo magkayakap sa dilim