Dedma

Bakit hindi ko maintindihan
Sino ba at nasaan ha
Ano siya anito superhero tagarito ba o baka tagabuwan
Ano ba yan gawa gawa lang ba ng tao o kaligtaran tulad ni adan
Yung totoo 'di mo alam
Ayaw maki-alam o wala ka lang pakialam
Andami nang namamatay pumapatay nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata'y nadadamay sa mga away

Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin
Puro pa gera dulot ng pera nakakalungkot
Ba't ba ka ba ubod ng dedma
Punyeta retreat sa kweba oras na ma-sodom at gomorrah
'Tong buong planeta teka

Kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

Pa'no kung walang kabilang buhay
Pa'no niyo kami matutubos
Pa'no kung wala pa ring patunay
At yun ay kasi wala naman talgang diyos
Na bwakaw magpasamba
Kung ayaw mo daw mananalanta
Pero ganu'n pa rin naman kahit magdasal ka
Tignan mo deuteronomio kung mapagmahal siya

Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya
Mukhang natakpan ng piring ang sistema
Mga pruweba ng primitibong siyensya
Mahirap tanggapin na para ding penitensya
Sentensiya sa mga mapang-abuso
Kontrolado utak kapagka hawak ang puso
Punto sa'n patungo ang relihiyon
Sa katapusan ba ng mundo o sa panginoon bakit gano'n

Kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

Hey yeah hey

Minsan 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat
Na siyang kay hirap tanggapin
At kahit iisa ang kinikilalang diyos ama
Ang tanong bakit yata parang deadma yung iba

Nasaan nasaan ang kaligtasan
Kapag naghiganti na si inang kalikasan
Delubyo tapos tuhog sunog chicken inasal
Halik ni kamatayan sa kamay ng kabihasnan
Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan
Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran
May kaluluwa po ba talaga yung katawan
O kathang isip lamang ng mga takot sa kawalan

Kailangan ko ng bendisyon
Maliwanagan parang thomas edison
Kahit mabusisi alam ko sa sarili ko
'Di ko kayo kinekwestiyon malayang desisyon
Kasi imposibleng inimbento ka lang
Sino ang arkitekto sikreto na lang
Perpekto lahat p'wera tao disenyo pa lang ang tanong (ah ha)
Bakit gano'n yan ang pala isipan

Kayrami nang tukso nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod nakabantay naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan
Ah ha ha

Beliebteste Lieder von Julie Anne San Jose

Andere Künstler von Contemporary R&B