M.M.K. [Alternative Rock]

Mga nagkalat na larawan
Pirapirasong napagdaanan
Mga larong walang hanggan
Kwentuhan na mababaw lang
Oh kay bilis naman nagdaan
Di ko namalayan

Parang kailan lang (parang kailan lang)
Naaalala ko lang

Dati kay tibay natin
Sa atin walang katapusang langit
Ang mundo'y ating angkin
Buhay sa bawat sandali (buhay sa bawat sandali)
Tunay at kay tamis

Mga nagkalat na larawan
Kay dami nating napagdaanan
Pangarap nating pinagsaluhan
Hiniling sa kalawakan
Kay lakas na nakaraan
Hindi malilimutan

Parang kailan lang (parang kailan lang)
Naaalala ko lang

Dati kay tibay natin
Sa atin walang katapusang langit
Ang mundo'y ating angkin
Buhay sa bawat sandali (buhay sa bawat sandali)
Tunay at kay tamis

Dati kay tibay natin
Sa atin walang katapusang langit
Ang mundo'y ating angkin
Buhay sa bawat sandali (buhay sa bawat sandali)
Tunay at kay tamis

Beliebteste Lieder von Kamikazee

Andere Künstler von Hard rock