Pagbigyan Ang Puso

Magmula nang tayo ay nagkalayo
Mga pangako tuluyan nang naglaho
Pinilit kong iwanan at limutin ang lahat
Pagkat walang magagawa

Kahit pa malayo ka sa piling ko
Ikaw parin ang hinahanap-hanap ko (wala na ngang iba)
At kahit pa nalaman kong may kasama kang iba
Ikaw pa rin sa puso ko
Bumabalik ako ngayon sa 'yo

Sana ay maramdaman mong mahal pa rin kita
Sana maniwala kang di ka na mag-iisa
Dalangin at pangarap ko
Ako'y muling mayakap mo
Sana pagbigyan ang puso ko

Marahil mahihirapang balikan
Ang dating pag-ibig na naramdaman
Ngunit kung mayron pang naiwan sa iyo
Pag-ibig ko sa puso mo
Ako ay babalik ngayon sa iyo

Sana ay maramdaman mong mahal pa rin kita
Sana maniwala kang di ka na mag-iisa
Dalangin at pangarap ko
Ako'y muling mayakap mo
Sana pagbigyan ang puso ko

Sana ay maramdaman mong mahal pa rin kita
Sana maniwala kang di ka na mag-iisa
Dalangin at pangarap ko (dalangin at pangarap ko)
Ako'y muling mayakap mo
Sana pagbigyan ang puso ko

Wissenswertes über das Lied Pagbigyan Ang Puso von Karylle

Wann wurde das Lied “Pagbigyan Ang Puso” von Karylle veröffentlicht?
Das Lied Pagbigyan Ang Puso wurde im Jahr 2015, auf dem Album “The Karylle Songbook” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Karylle

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)