Ika'y Nag-iisa
Hahh…ohh…
Sa t’wing naaalala ka
Anong saya aking nadarama
Sa kantang ito idadaan
Himig ng aking puso
Maghihintay sa ‘yong pagbabalik
Hinahanap ang tamis ng iyong halik
Magkaiba man ang ating mundo
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Wala nang pipigil sa ’kin
Dahil ikaw ang pipiliin
Pag-ibig natin ang magpapasya
Na tayo’y sa isa’t-isa
Pilit man na paglayuin
Ikaw pa rin ang hahanapin
Sa puso ko ika’y nag-iisa
Ika’y nag-iisa
Nais kong malaman mo
Hanggang dulo ako’y nandirito
Landas man natin ay magkalayo
Ikaw lang ang laman ng puso ko
At kahit ga’no pa katagal
Ako’y maghihintay sa ‘yo, aking mahal
Pinaglayo man ang ating mundo
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Wala nang pipigil sa ’kin
Dahil ikaw ang pipiliin
Pag-ibig natin ang magpapasya
Na tayo’y sa isa’t-isa
Pilit man na paglayuin
Ikaw pa rin ang hahanapin
Sa puso ko ika’y nag-iisa
Ika’y nag-iisa
Kahit gaano kalayo
Alam kong tayo’y magtatagpo
Sabay tayong maglalakbay
Palayo sa ating mundo...
Wala nang pipigil sa ’kin
Dahil ikaw ang pipiliin
Pag-ibig natin ang magpapasya
Na tayo’y sa isa’t-isa
Pilit man na paglayuin
Ikaw pa rin ang hahanapin
Sa puso ko ika’y nag-iisa
Ika’y nag-iisa
Hoh…ika’y nag-iisa…
Hoh…