Marites
Bakit ba parang maingay ang paligid
Ang dami nang sumisingit mga gusto na sumilip
Kahit mga nasa gilid talagang nagpupumilit.
Rinig ang bawat tinig ng bawat saling bibig
Kahit, di naman sila kasama sa mga
Istorya na pinagsasabi nila teka bakit ba
Di mo masara yang bibig mo na basura ang karga
Tapos biktima kung umasta kapal mukha
Mulat mata, matanglawin ba?
Kita ang lahat sige magkalat
Husga sa pabalat para bang manunulat ng alamat
Sapagkat bawat kwento niya'y kathang isip lang lahat
Mag-ingat ka sa mga taong ganito
Madalas ay sila pa yung nakadikit sayo
Ang mga walang hiya na nagbabalat kayo
At silang may patalim kapag ka na sa likod mo
Makati ang dila hirap gamutin
Mapanira tila hirap tanungin
Katotohanan na mahirap sagutin
Kahit sino taluhin ng mga kwentong palihim
Sige makinig ka sa'king sasabihin
At mahilig ka namang makialam sige pasukin
Ang aking pinaka-madilim ang aking tanging lihim
Ang galit na ka'y tagal mo nang gustong-gusto gisingin
Hindi ba, ito ang gusto mong makita?
Dala-dala kong putik nang di masabi na mali ka.
Sige halika, papakita ko sayo
Mundo na galing sayong labi, gawin nating totoo
Mga kwentong mapanira, sige mabuhay ka Diyos ko!
Nang mapatay naman kita, tutal-
"Oops teka... Napatay ko ata."
Makati ang dila hirap gamutin
Mapanira tila hirap tanungin
Katotohanan na mahirap sagutin
Kahit sino taluhin ng mga kwentong palihim
Makati ang dila hirap gamutin
Mapanira tila hirap tanungin
Katotohanan na mahirap sagutin
Kahit sino taluhin ng mga kwentong palihim