Igotchu (feat. Sion)
Kailan ka huling tumingin sa langit
Huling binigkas iyong dalangin
Sa sarili hindi mo maamin
Tao ka lang naman diba
Kung inaakala mo
Malupit sa' yo ang mundo
Isipin nang mabuti, palayain ang sarili
Piliin mong subukan kesa pagsisihan, ya
Mata'y iminulat
Sa kwadrado na kahon may panulat
Pinatibay ng panahon ang pag sulat
Malaya ang pusong lumilipad
Lagi mo lang tandaan
Sa mundong puno ng "hindi" at "paano"
Sagot ko'y laging "oo"
I know you got me
And you know Igotchu
I know you got me
And you know Igotchu
I know you got me
And you know Igotchu
I know you got me
And you know Igotchu
Berde at hamog
Ambon at bahaghari
Sa dalampasigan nanahan
Hampas ng along yakap ng ulan
At habang yakap nga kita
Ayoko nang itigil pa
Habang ang mundo'y tumigil
Ayoko nang umikot pa
Nasanay na ako na mag kasama tayo
Dilat man ang araw o may luha sa mag hapon ang panahon
Sa pagsulyap mo lang ay napapawi lahat ng mga yun
Ngiti mo at yakap ay walang katulad
Na siya kong hanap sa buong mag hapon, gabi at magdamag
Salamat kay Bathala at ikaw na ang namamahala
Coz I know you got me
And you know Igotchu
I know you got me
And you know Igotchu
I know you got me
And you know Igotchu
I know you got me
And you know Igotchu
Kailan ka huling tumingin sa langit?
Huling binigkas iyong dalangin?
Sa sarili hindi mo maamin
Tao ka lang naman diba?