Maniwala Ka Lang

Nawawala ka ba sa daang puno ng pagod at pait
Naglalakad ka ba ng nakapikit 'di nakikita kung saan paparating

Maligaw ka man sa dilim may ilaw na ika'y sasagipin

Kahit kailan 'di ka nag-iisa sana'y ang puso mong bigo 'wag mabahala
Habang may buhay may dahilan magpatuloy sa 'ting hantungan
Paghihirap rin may hangganan maniwala ka lang may nakikinig sa 'yo

Nagbibilang ng mga araw kung kailan matatapos ang hinagpis
Mahigpit na kumakapit sa natitirang hiwatig ng pag-asa

Maligaw ka man sa dilim may ilaw na ika'y sasagipin

Kahit kailan 'di ka nag-iisa sana'y ang puso mong bigo 'wag mabahala
Habang may buhay may dahilan magpatuloy sa 'ting hantungan
Paghihirap rin may hangganan maniwala ka lang may nakikinig sa 'yo

Oh oh

Andere Künstler von Asiatic music