Bagong Simula

Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa asin lagi ang ulam
Umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan

Lupaing kinalbo minsa'y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito magtapos

Todo na 'to liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Huwag nang maulit kapalarang kay pait
Huwag magpabaya huwag kang manahimik
Huwag kang manlalamangan huwag kang manggigipit
Huwag magkanya-kanya magkaisang bisig

Magmalasakit ito'y kabayanihan
Gawin mo ano mang makayanan
Kalagayan niyo ba'y sa masama lamang
Kung walang gagawin tayong mamamayan

Todo na 'to liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Isa ipakita natin sa ating mga magulang
Mga kapatid kaya natin 'to
Isang subok pa isang subok pa
Sabay-sabay na sabay-sabay na
Walang kokontra todo na 'to

Todo na 'to liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Oh
Bagong simula ng ating bayan

Beliebteste Lieder von Kitchie Nadal

Andere Künstler von Alternative rock