Hugot

Palingon-lingon
Wari'y nakapikit
Ang naglalaro sa isip
Ikaw ang katabi
Pasulyap-sulyap
Ang dibdib ko'y naninikip
Kapag ika'y nandyan na di mapakali

Di makaharap kapag ika'y nakatingin
Tila sasabog pag binibigyan mo ng pasin
Di makahinga ang labi ko'y nangingitim
Kapag ika'y malapit na
Sadya akong napapraning

Torpe nga ba ang tawag sa akin
Torpe na nga di makakain
Hanggang abutin ng dilim
Hanggang maubos ang bituin
San huhugutin ang lakas
Para aminin na gusto kita
Na gusto kita

Pwede bang sabihin ko (pwede bang sabihin ko)
Pwede bang aminin ko (pwede bang aminin ko)
Pwede bang malaman mo (pwede bang malaman mo)
Pwede bang maging tayo (pwede bang maging tayo)
Pwede bang isulat ko (pwede bang isulat ko)
Gulong-gulo (gulong-gulo)
Kapag ika'y malapit na
Sadya akong napapraning

Torpe nga ba ang tawag sa akin
Torpe na nga hindi makakain
Hanggang abutin ng dilim
Hanggang maubos ang bituin
San huhugutin ang lakas
Para aminin

Gusto kita (aaminin ko)
Gusto kita (aaminin ko)
Gusto kita (aaminin ko)
Gusto kita (aaminin ko)
Oh

Torpe nga ba ang tawag sa akin
Torpe nga ba hindi makakain
Torpe nga ba ang tawag sa akin
Torpe nga ba hindi makakain
Oh torpe

Beliebteste Lieder von Kithara

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)