Palag (feat. ILLICIT)

Klyde Panganiban, Ralph Juachon

Daming mga problema na pasan
Imbis sumuko lalo ko nalang tinatagan
Kumikilos ng sagad kesa tagumpay abangan
Mas piniling palagan kesa aking ayawan
Woah
Tanim lang ng tanim hanggang ang prutas ay bumunga
Ginagawa kong pang pagana sinong nag dududa
Sawa na sa baba gustong makadama ng lula
Abutin mga pangarap gamit laway ko at pluma
Negatibo ay di ko matanaw
Alisto saking bawat pagtapak at pag galaw
Nanatiling kalmado sa mundo ko na maginaw
Daming hamon dumating pero di napa-ayaw
Batang chillero malabo mong mabasag
Di umubra yung mga nanghilang alimasag
Sa akin ay panis kaya sila ay inaamag
Parang baraha na binabalasa pataob kong nilalatag
Ginagarote na namin ang beat
Di mapapatigil 'gang panalo di nakakamit
Perang inaakit dahan dahan nang matatapik
More money, more problems lalo pang nasasabik
Daming dapat patunayan lalo na saking magulang
Pinakita sa mundo hindi naisip mag tago lang
Lumabas ako sa araw, pumalag ako sa buwan
Taon taon nag babaon akin lang 'tong ginalawan
May mata na nanlilisik sa gusto kong maabot
Malalaman pag sinuyod yung nakatagong sagot
Bago lang yung paraan walang makabagong tanong
Pagka galing sa wala gusto mo lang magkaroon
Kaya ama namin sana mapasamin yung hangarin
Pagpalain pang madami yung mga maipon namin
At kahit na balakin pang salain
Alam namin kung ano yung nakahaing nararapat para samin
Nagmula ko sa lugar na baba na baba
Kung san sarili lang katulong sa pag pawi ng kaba
Nananatiling malakas sa hamon ng mga banta
Parang batang yung sarili lang nagturo humakbang
Kaya abante
Alam mong laging swabe
Madami jan nahihiya na sakin di bumase
Kung pano ko naisip at kung pano ko sinabe
Ganito kapag saksi sa mga nang yayare
Iba yung daloy ng dugo
Araw araw bagong flow
Umaapoy kumukulo
Beast mode laging nakaon
Beat mo sakin ay kaon
Sinasagod taon taon
Kung san yung kayaman ay nandon nililimas ko yung kahon
Ganda ng music
Araw araw sulit
Ilag sa mga bullshit
I ain't no killer but don't push me
Come with me
Hail Mary, run quick see
What do we have here now?
Do you wanna ride or die?
La, da-da, da, da, da-da,da

Beliebteste Lieder von KLYDE

Andere Künstler von Pop rock