Kala

Kanina pa ko dito tulala
Sa alak usok gusto kong kumawala
Hinihintay lang tama ko na bumaba
Tutal balik tayo sa simula
Parang di magkakilala
Sana di na naniwala
Pero wag ka mag aalala kasi hindi naman na sakin bago yan
Parehas ng pangyayari magkaiba ng tao lang
Kakaisip ko utak lagi ng pagod
Napadalas ang iwas hirap ka ng maabot
Daig mo pa bawal na gamot
Kasi sa dami kong tanong bat laging alak ang sagot

Sana di mo maranasan ang masaktan
Hayaan na maging libangan ng kung sino man
Sana meron dumating na kaya kang tanggapin
Sa ngayon dito muna ako magpapakalasing

Parang di magkakilala
Sana di na naniwala
Pero wag ka mag aalala kasi hindi naman na sakin bago yan
Parehas ng pangyayari magkaiba ng tao lang

Wala akong pake sa sasabihin nila
Wala kong pinakinggan kahit manlang iisa
Akala ko nung una ikaw ay naiiba
Kaso ayun na nga hindi pala
Ano nga ba nadudulot
Sa mga aral na napupulot
Pati ang tama inaabuso
Kahit bawal ikaw ang gusto
Kasi tao lang at ang punto
Nabubulag din sa tukso
Dapat utak muna bago puso
Ba't di pa tayo natututo

Yeah ako'y nagpapaka lasing
Para samantalahin tama bago harapin ka
Pero kailangan tanggapin
Kasi lam kong di ka na darating

Sana di mo maranasan ang masaktan
Hayaan na maging libangan ng kung sino man
Sana meron dumating na kaya kang tanggapin
Sa ngayon dito muna ako magpapakalasing

Parang di magkakilala
Sana di na naniwala
Pero wag ka mag aalala kasi hindi naman na sakin bago yan
Parehas ng pangyayari magkaiba ng tao lang
Parang di magkakilala
Sana di na naniwala
Pero wag ka mag aalala kasi hindi naman na sakin bago yan
Parehas ng pangyayari magkaiba ng tao lang

Wissenswertes über das Lied Kala von Kris Delano

Wann wurde das Lied “Kala” von Kris Delano veröffentlicht?
Das Lied Kala wurde im Jahr 2018, auf dem Album “Kala” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Kris Delano

Andere Künstler von Contemporary R&B