Handog

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin.
Dahil sa inyo napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang isang awitin

Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Kaya't itong awiting aking inaawit
Nais ko'y kayo ang handugan

Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo narinig ang isip ko at naintidihan
Dahil dito'y ibig ko kayong ituring na matalik kong kaibigan

Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Kahit minsan may naialay sa inyo

Wissenswertes über das Lied Handog von Kuh Ledesma

Wann wurde das Lied “Handog” von Kuh Ledesma veröffentlicht?
Das Lied Handog wurde im Jahr 2009, auf dem Album “Ako Ay Pilipino” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Kuh Ledesma

Andere Künstler von