Mahal Ko O Mahal Ako
Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais
At sya'y narito alay sakin wagas na pag-ibig
Nalilitong litong litong lito
Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O sya bang kumakatok sa puso ko
Anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko
Nalilitong litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako
Kahit di ako ang mahal mo kung mananatili ako sayo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako'y iyong ibigin
At kung sadyang sya'y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw matutunan ko rin
Ang ibigin sya
Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O sya bang kumakatok sa puso ko
Anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko
Nalilitong litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Ang nais ko ay maranasan ang umibig
At masuklian rin ng pag-ibig
Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O sya ba
Anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko
Nalilitong litong litong litong litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako