Ewan?

Naaalala mo pa ba
Mga sandaling tayo ay masaya
Tingin ng 'yong mga mata
Nakaka halina, di na makawala

O bakit lahat ng daan
Ikaw ang binabalikan
Nakatanim na saking kaisipan

Chorus:
Sa tuwing hawak ko ang 'yong mga kamay
Napapawi lahat ng aking mga lumbay
Kung mga panghihinayang ko sana'y nalaman mo
Hindi sana nagkakaganito

Alam mo namang mahal kita
Sa lahat ng paraan, aking pinadama
Kung alam mo lang ang mga panghihinayang ko
Hindi sana nagkakaganito
Ewan kung bat' ganto

Nakalimutan mo na ba
Binitawan nating mga salita
Na kung mundo'y matapos na
Sayo parin hangang sa huling hininga

O bakit binabalikan
Lumipas nang nakaraan
Nakatanim na saking kaisipan

Sa tuwing hawak ko ang 'yong mga kamay
Napapawi lahat ng aking mga lumbay
Kung mga panghihinayang ko sana'y nalaman mo
Hindi sana nagkakaganito

Alam mo namang mahal kita
Sa lahat ng paraan, aking pinadama
Kung alam mo lang ang mga panghihinayang ko
Hindi sana nagkakaganito
Ewan kung bat' ganto

Naaalala mo pa ba

Kung hindi rin lang ikaw, hindi na ibig pa

Beliebteste Lieder von Kyo

Andere Künstler von Pop rock