Eto Na Naman Ako

O eto na naman ako
Laman ka ng aking ulo
Di na nasanay
Di maiwalay sa isip ko

Ilang ulit ng umiiwas
Di pa rin makatakas
Di na malaya
Di na madaya pang nadarama

Sana'y di na pinaasa pa
Puso ko ngayon nagdurusa
Nangungulila ngayon ako sayo sinta
Sana'y di na nagkakilala
Di na bale ang nag-iisa
Wag lang maalala ang pag-ibig mo'y naglaho na

O kay hirap ng aking gabi
Pag wala ka saking tabi
Di makatulog puso'y nadurog mo ng lumayo

O eto na naman ako
Umaasa sa pagbabalik mo
Di na siguro ngunit maghihintay pa rin sa'yo

Sana'y di na pinaasa pa
Puso ko ngayon nagdurusa
Nangungulila ngayon ako sayo sinta
Sana'y di na nagkakilala
Di na bale ang nag-iisa
Wag lang maalala ang pag-ibig mo'y naglaho na

Sana'y di na pinaasa pa
Puso ko ngayon nagdurusa
Nangungulila ngayon ako sayo sinta
Sana'y di na nagkakilala
Di na bale ang nag-iisa
Wag lang maalala ang pag-ibig mo'y naglaho na
O eto na naman ako

Beliebteste Lieder von Lani Misalucha

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)