Tag-araw, Tag-ulan

Oh
Tag-araw sa may dagat namasyal
At pagdilim sa may baybay humimlay
At nagyakap sabay sa pagsabog ng alon
Sabay sa paghuni ng ibon
Saksi ay liwanag ng buwan

Di ba't sabi mo pa na wala ng iba
Na ako ang una sa pagmamahal mo sinta
At ang buhay nating dal'wa ay nagbunga
Ng makulay na pag-ibig na dakila
Ngunit bakit ngayong umuugong ang hangi't ulan
Sinlamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala ng apoy titig mo sa akin
Naglaho ba ang pagmamahal mo sinta

At nagyakap sabay sa pagsabog ng alon
Di ba't sabi mo pa na wala ng iba
At sa habangbuhay tayo'y magsasama
Nakamtan ko ang pagmamahal mo sinta
Ngunit bakit sa tag-ulan ay naglaho
Sinlamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala ng apoy titig mo sa akin
Naglaho na ang pagmamahal mo sinta

Wissenswertes über das Lied Tag-araw, Tag-ulan von Lani Misalucha

Auf welchen Alben wurde das Lied “Tag-araw, Tag-ulan” von Lani Misalucha veröffentlicht?
Lani Misalucha hat das Lied auf den Alben “Lani Silver Series” im Jahr 2006 und “18 Greatest Hits: Lani Misalucha” im Jahr 2009 veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Lani Misalucha

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)