Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko

Ruben Vega, Levi Celerio

[Verse 1]
Inday ng buhay ko, ikaw ay nasaan?
Bigla kang nagtampo, ano ang dahilan?
Kung diringgin mo lang ang puso kong nalulumbay
Taghoy ko araw-araw, ikaw, ikaw, Inday

[Verse 2]
Madilim ang gabi noong tayo'y namamasyal
Ni isang bituin sa atin ay walang tanglaw
Ngunit dahil sa ang kapiling ko ay palaging ikaw
Dilim man nang gabi singliwanag na rin ng araw

[Verse 3]
Mawala mang lahat sinta ang langit at lupa
Mawala mang lahat ang buwan, bituin, mga tala
Mawala man ang araw ay hindi ko rin daramdamin
Huwag lamang mawala ang pagmamahal mo sa akin

[Verse 4]
Ang puso ko ay may lumbay
'Pagkat hindi mo pansin lamang
Araw gabi, namamanglaw
Naghihintay sa tunay mong pagmamahal

[Verse 5]
Nasaan ang iyong awa sa puso ko
Na naghihintay at umiiyak nang dahil sa 'yo
Hanggang may hininga, 'di na magbabago
Ang sumpang ikaw lang ang iibigin ko

[Verse 6]
Larawan mo, Inday, hinahagkan-hagkan
Kinakausap ko, luha'y bumubukal
Saan kaya ngayon ikaw ay matatagpuan?
Kapag 'di ka nakita, ako'y mamamatay

[Outro]
Nahan? Nahan?
Nahan ka, oh, Inday?

Wissenswertes über das Lied Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko von Leo Valdez

Wann wurde das Lied “Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko” von Leo Valdez veröffentlicht?
Das Lied Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko wurde im Jahr 1984, auf dem Album “Mga Paboritong Awitin” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko” von Leo Valdez komponiert?
Das Lied “Inday Ng Buhay Ko / Mawala Mang Lahat / Ang Puso Ko” von Leo Valdez wurde von Ruben Vega, Levi Celerio komponiert.

Beliebteste Lieder von Leo Valdez

Andere Künstler von