Sinasamba Kita

George Canseco

[Verse 1]
Sinasamba kita
Higit sa iyong akalang iniibig lang kita
Paggalang ko sayo'y higit sa buhay kong taglay
Wala na yatang papantay, ang buhay ma’y ibibigay ko pa
Sinasamba kita

[Verse 2]
Sinasamba kita
Kung kasalanan man sa Diyos ang sambahin kita
Marahil ay mauunawaan Niya ang tulad ko
Na labis nagmahal sa 'yo, masisisi mo ba ako sinta
Sinasamba kita

[Chorus]
Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta’t sinasamba kita
'Di lang pagmamahal ang siyang nadarama
Paano ko maipipinta, kulang ang kulay nila
Para mailarawan ka, sinta

[Verse 2]
Sinasamba kita
Kung kasalanan man sa Diyos ang sambahin kita
Marahil ay mauunawaan Niya ang tulad ko
Na labis nagmahal sa 'yo, masisisi mo ba ako sinta
Sinasamba kita

[Chorus]
Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
'Di lang pagmamahal ang siyang nadarama
Paano ko maipipinta, kulang ang kulay nila
Para mailarawan ka, sinta

[Chorus]
Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
Hindi lang pagmamahal ang siyang nadarama
Basta’t sinasamba kita

[Outro]
Kung anong dahila’y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
La-la-la la-la-la la-la la-la-la
Basta’t sinasamba kita
La-la-la la-la-la

Wissenswertes über das Lied Sinasamba Kita von Leo Valdez

Auf welchen Alben wurde das Lied “Sinasamba Kita” von Leo Valdez veröffentlicht?
Leo Valdez hat das Lied auf den Alben “All Filipino, Vol. 2” im Jahr 1985, “Leo Valdez Collection” im Jahr 1991 und “The Legends Series: Leo Valdez Collection” im Jahr 1995 veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Sinasamba Kita” von Leo Valdez komponiert?
Das Lied “Sinasamba Kita” von Leo Valdez wurde von George Canseco komponiert.

Beliebteste Lieder von Leo Valdez

Andere Künstler von