Sulong [From Sama-sama]

JOHN OLIVER A. AGUSTIN, EMIL JOSEPH I. ARABIT, CHRISANTHONY C. VINZONS, ALDRICK D. YU

Sa bawat buhos ng ulan
Mga tahanang dinaanan
Ng matinding takot at kalungkutan
Problema ay lumalala sa krisis na nagaganap
Dito ba magwawakas ang kapalaran

Sulong sulong wag kang uurong
Sulong sulong walang uurong
Tayo ay magkaisa
Tayo ay magsama-sama

Maraming taong nawawalan ng pera at karapatan
Nananakawan ng dangal at pag-asa
Ngayon nagtitis na lang kahit konting barya lang
Ang kinikita sa araw-araw

Sulong sulong wag kang uurong
Sulong sulong walang uurong
Tayo ay magkaisa
Tayo ay magsama-sama

Sulong sulong wag kang uurong
Sulong sulong walang uurong
Tayo ay magkaisa
Tayo ay magsama-sama

Hindi na tayo nauunawaan ng mga taong hindi natutong
Magmalasakit sa kapwa tao
Kaya halina't magkaisa at tayo'y magsama-sama
Kinabukasan ay ating ipaglaban

Sulong sulong wag kang uurong
Sulong sulong walang uurong
Tayo ay magkaisa
Tayo ay magsama-sama

Sulong sulong wag kang uurong
Sulong sulong walang uurong
Tayo ay magkaisa
Tayo ay magsama-sama

Sulong sulong

Beliebteste Lieder von Letter Day Story

Andere Künstler von Punk pop