Pamanggulo
VERSE 1 (LOONIE):
Bawal sumagot kay kuya di pwedeng patulan si bunso
Dapat ay sila na muna bago maibigay ang aking gusto
Dinadaan-daanan, dinaig pang lansangan
Tinaguriang tigapagmana ng mga pinaglumaan
Nasa sentro pero bakit walang atensyon
Lagi lang nasa gitna ng tensyon
Wala pa ring desisyon kahit may kompetisyon (ugh)
Di pa naranasan na manalo
Di pa nasubukan na matalo
Ano kaya ang pakiramdam, pag sa’yo na nakatutok ang mata ng mga tao
Kahit saan paglagyan
Sa likod, gitna, harapan
Palaging tablado tuwing mananalo sa labanan (woah)
Kasali sa laro at nagsasaya
Kahit sa’yo ay walang tumataya
Dahil alam mo ang tungkulin ng isang dakilang pamanggulo
Dahil alam mo na, dahil alam mo na (pamanggulo)
Dahil alam mo na, dahil alam mo na (pamanggulo)
Dahil alam mo na, dahil alam mo na
Dahil alam mo na
Dahil alam mo, mo, mo…
VERSE 2 (LOONIE):
Sa pagitan ng pagiging alamat
At kung pwede ka na bang ngumarat
O pwede ka na bang humarap
Para sabihin ang lahat
Pero sino ang makikinig
Mga tenga na hindi naman nakaharap sa’yong bibig
Nakatutok lang ng magkabilaan, kaliwa’t kanan sa mga bintana ng maliit mong silid
Ganyan talaga...
Kanino ka maniniwala?
Sa mga gusto na agad tumanda
O sa mga bumalik sa pagkabata?
Kahit saan paglagyan
Sa likod, gitna, harapan
Palaging tablado tuwing mananalo sa labanan (woah)
Kasali sa laro at nagsasaya
Kahit sa’yo ay walang tumataya
Dahil alam mo ang tungkulin ng isang dakilang pamanggulo
Dahil alam mo na, dahil alam mo na (pamanggulo)
Dahil alam mo na, dahil alam mo na (pamanggulo)
Dahil alam mo na, dahil alam mo na
Dahil alam mo na
Dahil alam mo, mo, mo…
Andirito pa rin
Kahit di mo pansin
Kahit di mo alam ay handa kong gawin ang dapat kong gawin
Para lang masinagan ka ako'y nasa dilim
Lumipas man ang ilang araw at buwan ako ang bituin (ako ang between)
Diba’t inaasinta kapag nasa gitna pero bakit ganto
Walang huli't simula kung wala ang gitna aking napagtanto
Kahit ilang beses mang bumagsak sa lapag at walang sumalo
Gitnang daliri lamang ang handang tumayo
Para sa’yo
Kahit saan paglagyan
Sa likod, gitna, harapan
Palaging tablado tuwing mananalo sa labanan (woah)
Kasali sa laro at nagsasaya
Kahit sa’yo ay walang tumataya
Dahil alam mo ang tungkulin ng isang dakilang pamanggulo
Dahil alam mo na, dahil alam mo na (pamanggulo)
Dahil alam mo na, dahil alam mo na (pamanggulo)
Dahil alam mo na, dahil alam mo na
Dahil alam mo na
Dahil alam mo, mo, mo