Puede Nang Mangarap
Puede ng mangarap
Pano nga bang mangarap
Kung mahirap
At walang wala na
Pano nga bang mahahanap
Ang paglingap
At dalang dala na
Pano nga bang makausad
At lumakad at lumipad
Kung napagod na sa pag-asa
Nang biglang nagbago ang takbo ng kapalaran
Para bang binalot ng mundo ng kagandahan
May awit na humaharana sa damdamin kong hibang
Hindi ko man maunawaan sige lang
Meron din naman palang ganda ang buhay
Puede nang mangarap
Meron din naman palang handang dumamay
Puede nang mangarap
Meron din naman palang kantang mahusay
Tunay at makulay
Dahil sa inyong lahat
Puede nang mangarap
Wooh oh
Wooh oh
Ang sarap managinip
Makasilip sa kinabukasan
Ang sarap ng mga himig sa aking tinig
Na nararanasan
Kung ito'y panaginip kathang isip
Sa halip
Huwag nyo na akong gisingin na
May biglang nagbago ang takbo ng kapalaran
Para bang binalot ng mundo ng kagandahan
May awit na humaharana
Sa damdamin kong hibang
Hindi ko man maunawaan sige lang
Meron din naman palang ganda ang buhay
Puede nang mangarap
Meron din naman palang handang dumamay
Puede nang mangarap
Meron din naman palang kantang mahusay
Tunay at makulay
Dahil sa inyong lahat
Puede nang mangarap oh
May biglang nagbago ang takbo ng kapalaran
Para bang binalot ang mundo ng kagandahan
May awit na humaharana
Sa damdamin kong hibang
Hindi ko man maunawaan sige lang
Woooh oh
Meron din naman palang ganda ang buhay
Puede nang mangarap
Meron din naman palang handang dumamay
Puede nang mangarap
Meron din naman palang kantang mahusay
Tunay at makulay
Dahil sa inyong lahat
Puede nang mangarap
Wooh oh (puede nang mangarap)
Wooh oh(puede nang mangarap)
Woh oh (puede nang mangarap)
Wooh oh (puede nang mangarap)
Ang sarap managinip makasilip sa kinabukasan
Wooh oh
Puede ng mangarap