Landas

Anong nangyari
Anong nangyari sating dalawa
Mga ginawang hindi man lang pinag-isipan
Nagtataka ka ba
Biglang naglaho ang aking sinta
At ang iyong wangis
Pilit sa isip inaalis

Mahal naman kita
Mahal mo ba ako
Hindi ako nagbago

Kunwari
Kunwaring masaya
Wala namang dahilan
Para mang-iwan ka

Alam mo ba
Kalahati ng buhay ko'y sayo
Pinagsamahan
Binawi na ng langit at lupa

Mahal naman kita
Mahal mo ba ako
Hindi ako nagbago

Kunwari
Kunwaring masaya
Nagmumukmok sa sulok
Nakatitig sayong mukha

Kunwari
Kunwaring masaya
Wala namang dahilan
Para mang-iwan ka

Kung totoo man
Ang buhay sa kamatayan
Ikaw pa rin ang hahanapin ko

Kung totoo man
Ang buhay sa kamatayan
Ikaw pa rin ang hahanapin ko

Kunwari
Kunwaring masaya
Nagmumukmok sa sulok
Nakatitig sayong mukha

Kunwari
Kunwaring masaya
Wala namang ibang dahilan
Para mang-iwan ka
Kunwari (nagmumukmok sa sulok)
Kunwari (kunwari masaya)

Anong nangyari
Anong nangyari sa'tin

Beliebteste Lieder von Magnus Haven

Andere Künstler von Pop rock