Gusto Ko Nang Bumitaw

Jonathan Manalo, Michiko Unso, Sheryn Regis

Umiiyak
Gabi gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban
Sa digmaan
Na talunan
Hanggang Kailan
(Talo na, pagod na...)
Akala ko ika'y sa akin pa
Pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?

Naglalagalag
Sa kadiliman
Naliligaw, nalilito,
Ano nga ba ako sa 'yo
Sino nga ba ako sa 'yo?
(Sino nga ba ako sa'yo?)
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang kasing lungkot
Walang kasing sakit

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
(ayaw ng puso-o-o oh woah)
Gusto ko nang bumitaw
May Pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili
Sino nga ba Ako ba o Ikaw
Gusto ko nang bumitaw
(Sino bang dapat pumili, sino nga ba ako ba oh ikaw)

Kung kalungkutan kong
Kaligayahan mo
Kung ang pagkagapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso
Kong siyang lunas diyan sa puso mo...
Paano na ako

(Magpaparaya ba?)
Papakawalan na lamang ba kitang
Buo sa loob
Pinanghihinaan na nang loob

(Gusto ko nang bumitaw)
Gusto ko nang bumitaw
Pero ayaw pa ng puso
Ohh
Gusto ko nang bumitaw
May Pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili
Sino nga ba Ako ba o Ikaw
Gusto ko nang bumitaw!
(Sino bang dapat pumili, sino nga ba ako ba oh ikaw)
Gusto ko nang bumitaw
(Sino bang dapat pumili, sino nga ba ako ba oh ikaw)

Humahagulhol ngunit Wala namang nakikinig
Walang magandang mapupuntahan
Kailanman
Ang Maling Pag-ibig
Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago pa magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya
Tayong muli...

Gusto ko nang bumitaw hindi kita mabitawan mahal parin kita
Gusto ko nang bumitaw hindi kita mabitawan mahal parin kita

Gusto ko nang bumitaw
Pero ayaw pa ng puso
(ayaw ng puso-o-o oh woah)
Gusto ko nang bumitaw
May Pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba
Ako ba o Ikaw
Gusto ko nang bumitaw
(Sino bang dapat pumili, sino nga ba ako ba oh ikaw)
Gusto ko nang bumitaw
(Sino bang dapat pumili, sino nga ba ako ba oh ikaw)
mmm
Gusto ko nang bumitaw, hindi kita mabitawan, mahal parin kita
Gusto ko nang bumitaw
Pipiliin na ang sarili
Bibitaw...
Bibitaw na

Wissenswertes über das Lied Gusto Ko Nang Bumitaw von Maki

Wer hat das Lied “Gusto Ko Nang Bumitaw” von Maki komponiert?
Das Lied “Gusto Ko Nang Bumitaw” von Maki wurde von Jonathan Manalo, Michiko Unso, Sheryn Regis komponiert.

Beliebteste Lieder von Maki

Andere Künstler von Hip Hop/Rap