Naaalala Ka
Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang pa
Isang halik mo lang limot ko na
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
At nais ko'y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba ha
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
At nais ko'y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba (wala nang iibigin pang iba)
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba oh
Kay sarap ng may minamahal