Di Mo Na Kailangan Pang Malaman

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Hindi mo na kailangan pang malaman na

Kuntento na sa kwentong inembento sa isipan ko
Kunwari raw ay tayong dalawa
Pano ba dalhin tong bumabalentong
Nagtatalong puso't isip ko
Ako'y nahihirapan na
Dahil hindi na maaari
Hindi na ako pwedeng magbakasakali
Ayoko lang na tayo'y magkailangan

Sa tingin ko'y kailangan ko na lamang
Sarilinin at Ilihim mas maigi nang

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh oh hindi mo na kailangan pang malaman na

Ninanakaw ang bawat pagtanaw
Baka mahalata mo na sa'yo iba ang kilos ko't galaw
Okay na ako dito sa kung ano tayo
Di nagrereklamo
Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar
Dahil meron nag nagmamayari
At 'di na ako pwedeng magbakasakali
Ayoko lang na tayo'y magkailangan

Sa tingin ko'y kailangan ko na lamang
Sarilinin at Ilihim mas maigi nang

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh oh hindi mo na kailangan pang malaman na

Kay tagal tagal tagal ko nang
Pinapangarap oh pa'no kaya kung naging tayo na lang
Pero hindi na bale alam ko naman hindi pwede
Sigurado na dehado mas maigi pa siguro na

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh oh hindi mo na kailangan pang malaman
Woah

Hindi mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
Oh oh hindi mo na kailangan pang malaman na
'Di mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman
'Di mo na kailangan pang malaman

Beliebteste Lieder von Markus

Andere Künstler von Pinoy pop