Bakit Labis Kitang Mahal

Mula nang makilala ka aking mahal
'Di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa 'yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw

Maging sa pagtulog napapangarap ka
Pagka't ang nais ko sana
Kapiling ka sa t'wina

Ano bang nakita
Ng puso kong ito sa 'yo
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta

Bakit labis kitang mahal
Ganda mo'y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man iniibig kita (oh)

Mula nang makilala ka aking mahal
'Di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa 'yo
Maging sa pagtulog napapangarap ka (pangarap ka)
Pagka't ang nais ko sana (oh)
Kapiling ka sa t'wina

Ano bang nakita (ano kaya)
Ng puso kong ito sa 'yo
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta

Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y di ko malimutan (yakap mo'y)
Bakit labis kitang mahal (oh)
Sumpa man iniibig kita (iniibig kita)

Bakit labis kitang mahal
Ganda mo'y di ko malimutan (ganda mo'y)
Bakit labis kitang mahal (oh)
Sumpa man iniibig kita (iniibig kita)

Beliebteste Lieder von Martin Nievera

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)