Pag-Uwi
O kay tagal na natin nagkakalayo
Nung tayo'y magkahiwalay ako'y musmos
At sa hardin ng kabataan nangako't nagpaalam
At hinagkan kita may gatas pa sa labi
Ewan ba saan napunta ang panahon
Sa hanapbuhay buhay ko'y nakatuon
Sa bayan ng mga banyaga
Ako ay manggagawa
Pag-ibig ko sa'yo iniirog
Ohh kay layo mo
Di maabot nitong mga kamay
Walang tulay na kayang tumawid
Sa mga taon kundi ang alaala
Alam ko nang ating mukhay may guhit na
Mga dinanas natin ay magka-iba
Ngunit sa'king pagbabalik
Sariwa ang halik, halik sa 'yong dibdib
Bayan ko
Ako ngayon ay pauwi at napapangiti
Pagkat malaon na oh bayan ko
Ohh kaylapit na
Ako'y sabik na makapiling ka
Sa pagdating may luha ma't wala
Akoy sisigaw at hahalik sa lupa ohhh
Kay tagal na nating magkakalayo
Noong tayo'y nagkahiwalay ako'y musmos
Ngunit ngayon ay pauwi at napapangiti
Pagkat malaon na sinta
Ako ngayon ay pauwi at napapangiti
At hahalik sa'yo bayan ko