Parang Tayo Pero Hindi

Ano pa ba'ng hanap
'Di ba't wala naman hadlang
Higit sa magkaibigan
Ngunit damdami'y may puwang

'Di ko malaman kung anong mayro'n sa atin
Hindi masabi kung ikaw nga ba ay akin

Parang tayo pero hindi (parang tayo pero hindi)
Natatakot na magkamali (natatakot na magkamali)
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo pero hindi (parang tayo pero hindi)
Kaya't puso'y 'di mapakali (kaya't puso'y 'di mapakali)
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong

Parang tayo pero hindi
Parang tayo pero hindi

Lagi nang 'di napapansin
Ang orasang kumukumpas
At sa tuwing magkasiping
Tila ang init ay wagas

Ngunit bakit pagdurusa'y 'di mapawi (hinding di mapawi)
Ang isip ay litong-lito at 'di mawari (o bakit)

Parang tayo pero hindi (parang tayo pero hindi)
Natatakot na magkamali (natatakot na magkamali)
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo pero hindi (parang tayo pero hindi)
Kaya't puso'y 'di mapakali (kaya't puso'y 'di mapakali)
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong

Parang kay daming dahilan (parang tayo)
Dahil takot na masaktan
Paglalaro'y hanggang saan
Mayrong buwis ang buhay na (mayrong buwis ang buhay na)

Parang tayo (parang tayo)
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo pero hindi (parang tayo pero hindi)
Kaya't puso'y 'di mapakali (kaya't puso'y 'di mapakali)
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong (sa ganitong)
Parang tayo pero hindi (parang tayo pero hindi)

Wissenswertes über das Lied Parang Tayo Pero Hindi von Michael Pangilinan

Wann wurde das Lied “Parang Tayo Pero Hindi” von Michael Pangilinan veröffentlicht?
Das Lied Parang Tayo Pero Hindi wurde im Jahr 2016, auf dem Album “Michael” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Michael Pangilinan

Andere Künstler von Film score