Paano
Paano kung wala ka na
Paano ba ang mag isa
Mula ng makasama ka
Kung paano'y limot ko na
Paano ang pag ibig ko
Kung di rin lang laan sayo
Ang buhay sa ating mundo
Di ko alam kung paano
Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sayo
Paano ba ito
O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sayo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
Paanong aking gagawin
Kung di mo na ako pansin
Kung ito'y panaginip din
Paano ba ang magising
Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Naiwasan ang bawat nakasanyan ko
At limutin na ang maghintay lagi sayo
Paano ba ito
O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sayo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sayo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
Paano ba aking mahal
Paano ba mahal