Gusto Ko Nang Bumitaw [Band Version]

Umiiyak
Gabi gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban
Sa digmaan
Na talunan
Hanggang Kailan
Talo na
Pagod na
Akala ko ika'y sa akin pa pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga

Naglalagalag
Sa kadiliman
Naliligaw nalilito ano nga ba ako sa 'yo
Sino nga ba ako sa 'yo

Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan walang kasing lungkot
Walang kasing sakit

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso

Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili sino bang dapat pumili
Sino nga ba ako ba o Ikaw
Gusto ko nang bumitaw oh oh

Kung kalungkutan kong kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso kung siyang lunas diyan sa puso mo
Paano na ako
Magpaparaya ba
Papakawalan na lamang ba kitang buo sa loob
Pinanghihinaan na nang loob

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili sino bang dapat pumili
Sino nga ba ako ba o Ikaw

Gusto ko nang bumitaw oh oh
Gusto ko nang bumitaw oh oh
Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig
Walang magandang mapupuntahan
Kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago pa magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya tayong muli oh oh

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba ako ba o Ikaw

Gusto ko nang bumitaw oh oh
Gusto ko nang bumitaw oh oh
Gusto ko nang bumitaw
Bumitaw
Bitaw

Gusto ko nang bumitaw
Pipiliin ko na ang sarili
Bibitawan
Bibitaw na

Beliebteste Lieder von Morissette

Andere Künstler von Contemporary R&B