Respeto
[Verse 1]
Ano na nga bang nangyayari
Hindi naman tayo ganto dati
Ang puso'y nanggagalaiti
Habang ako'y humihikbi
[Verse 2]
Ano na nga bang mangyayari
Sa hinahaharap natin
Di ko na kayang tiisin
Ang ginagawa sa atin
[Chorus]
Respeto
Ang ninanais ko
Sana'y maintindihan mo
Ako'y nasaktan mo
[Verse 3]
Ano na nga bang gagawin
Ikaw ba'y mananalamin
Oh patuloy mong tatahakin
Ang landas na madlim
[Chorus]
Respeto
Ang ninanais ko sayo
Sana'y malaman mong
Nasaktan akong husto
[Verse 4]
Ano na nga bang gagawin
Di na makalikha ng sining
DI ko na yatang kayang alisin
Ang sama ng damdamin
[Chorus]
Respeto
Ng isang tao
Sana'y mapakinggan niyo
Ang damdamin ko
[Outro]
(He-He-Hehe-Whoo)
(Whoa-Whoa-Whoo)
(He-He-Hehe-Hu)
(Whoa-Whoa-Whoo)