Bahala Ka

Bakit parang di napapansin
Tinutunaw na kita sa aking paningin
Kahit na anong gawin ay dedma ka parin
Nagkataon lang ba o sinasadya mo na

Isang umaga ay nakita sa facebook ng barkada
Tatlong pindot ang ginawa para sure na ma i-add ka
Ilang araw na hinihintay nagagalit na si inay
Bukas maghapon ang computer wala paring reply

Bahala ka sa buhay mo
Hindi kita pipilitin kung yan ang gusto mo
Bahala ka sa buhay mo
Marami naman diyan mas maganda pa sa’yo

Bakit ka ba ganyan sa tingin mo ba’y ako’y hadlang
Hindi ko naman inaasahang mabighani ng tuluyan
Pero ngayon ako’y namulat at ngayon ay sumusulat
Upang maiparating sa’yo na di ikaw ang nararapat

Karapat-dapat na umangkin saking mundo
Inubos lang ang oras ko wala namang napala sa’yo
Namulat nang aking mga mata dibdib ko ay isasara
Salamat sa iyo ngayo’y marunong na ako
Bahala ka sa buhay mo

Bahala ka sa buhay mo
Hindi kita pipilitin kung yan ang gusto mo
Bahala ka sa buhay mo
Marami naman diyan mas maganda pa sa’yo

Bahala ka sa buhay mo
Hindi kita pipilitin kung yan ang gusto mo
Bahala ka sa buhay mo
Marami naman diyan mas maganda pa sa’yo oh

Beliebteste Lieder von Ney Dimaculangan

Andere Künstler von Pop rock