Gagaan Din Ang Buhay
Huwag ka nang magtago lumabas ka na huwag ka nang matakot magsalita ka na
Mahirap ang nasa gitna dapat ikaw ay magpasya kailangan ay pumanig ka kundi maiipit ka
Imulat ang mata sa katotohanan kung may pagdamay ka ipagtanggol ang kapwa
Huwag nang magbubulag-bulagan pa ang problema'y nasa harap mo na
Huwag mo nang iwasan pa baka bukas abutan ka
Huwag kang mabahala di ka nag-iisa ang puso at diwa lahat itataya
Huwag mag-alinlangan kakampi mo ang buwan at ang kadiliman liwanag ang hangganan
Huwag mong bibitiwan wastong paninindigan huwag magpakalasing sa kapangyarihan
Lahat ng bagay na hinagis mo babagsak din sa 'yong ulo iikot din ang mundo
Ang panaho'y magbabago
Huwag kang mabahala di ka nag-iisa ang puso at diwa lahat itataya
Huwag mag-alinlangan kakampi mo ang buwan at ang kadiliman liwanag ang hangganan
Huwag kang mabahala di ka nag-iisa ang puso at diwa lahat itataya
Huwag mag-alinlangan kakampi mo ang buwan at ang kadiliman liwanag ang hangganan
Huwag ka nang malumbay gagaan din ang buhay sisikat din ang araw iyong matatanaw
Huwag ka nang malumbay gagaan din ang buhay sisikat din ang araw gagaan din ang buhay
Sisikat din ang araw gagaan din ang buhay sisikat din ang araw gagaan din ang buhay