Huwag Mong Sabihin

Huwag mong sabihin
Na itong puso ko'y
Mapanlinlang at di lang minsan nagtaksil
Kahit na tayo'y
Malayo na ngayon sa isa't isa
Ikaw pa rin ang sinisinta wala ng iba

Kung ako man ay naligaw ng landas
Ikaw pa rin ang lagi kong babalikan
Ang maghuhugas
Sa putik ng pagkakasala ko'y
Ang batis ng pag-ibig diyan sa puso mo

Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Ikaw ang tunay kong mahal hmm

Ang aking buhay
Ay wala nang galak
Kung hindi kapiling ang minamahal
Walang halimuyak
Ang hardin ng rosas kung wala ka na

Patawad mo ay ibigay mo na sinta
Kung ako man ay naligaw ng landas
Ikaw pa rin ang lagi kong babalikan
Ang maghuhugas sa putik ng pagkakasala ko'y
Ang batis ng pag-ibig diyan sa puso mo

Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Ikaw ang tunay kong mahal oh

Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal

Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Ikaw ang tunay kong mahal oh
Ikaw ang tunay kong mahal hmm

Beliebteste Lieder von Noel Cabangon

Andere Künstler von Asiatic music