Kung Ako
Kung ako ay papalarin
Sa puso mong mailap sa akin
T'yak na magniningning ang mga bituin
At sasaya'ng may lumbay kong damdamin
Kung ako ay papalarin
Na ikaw ay mapasa akin
Wala na akong ibang hihilingin
Bigyan mo lang puso ko ng pansin
Kung ako'y yong iibigin
Araw-araw kitang susuyuin
Kung ako'y yong iibigin
Pangakong habang buhay kang mamahalin
Kung ako ay papalarin
Sa puso mong mailap sa akin
T'yak na magniningning ang mga bituin
At sasaya'ng may lumbay kong damdamin
Kung ako ay papalarin
Handa kitang paligayahin
Dagat mo ma'y aking sisisirin
Ang lahat ay aking gagawin
Oh Aking sinta
Kung ako'y yong iibigin
Araw-araw kitang susuyuin
Kung ako'y yong iibigin
Pangakong habang buhay kang mamahalin
Oh Aking sinta